Facial Scrub for Acne Prone and Sensitive Skin

Hello again! Thank you for visiting my page! If you have question or suggestion kindly comment down below or like/follow my Facebook page.

Ito na guys! Sorry kung medyo natagalan sa pag-update medyo busy lang. After one month of using this product may mapapansin ka talagang pagbabago. Paano ko nga ba siya ginagamit? Twice a week ko lang ginagamit, then binababad ko ng 1-3mins. Tapos scrub scrub ng konti as in magaan lang kamay medyo sensitive skin ko kasi. Bakit ko nga ba siya tinuloy? Meron kasi akong trinay before na facial scrub, beautyfx ata yun nung una kong gamit masakit sa balat tas kinabukasan nagkabumps ako sa may ilong at pisnge. Pero pinagamit ko yun sa hubby ko, okay naman sa kanya at nagustuhan nya (iba-iba kasi tayo ng preference). Nung una medyo natakot rin akong gamitin 'to kasi baka nga malalaki ulit yung beads nya.

Ano bang nagustuhan ko sa product na 'to?
Unang gamit ko palang sa kanya walang reaction naganap sa balat ko(face) Napawow talaga 'ko. Considering na scrub yan bes. Kaya ayun ang signal go ko na ipagpatuloy pa yung paggamit.



Opps! I know! Hahaha kahit ako nagulat bakit ganun itsura sa picture. Travel Friendly 'tong product na to maganda yung packaging nya squeeze tube at hindi ka mahihirapan na maghanap nito pwedeng online shops or sa physical store. Yung amoy nya mabango naman pero parang deodorant (para sa'kin ganun yung amoy nya haha).

Kamusta naman paggamit ko?


Ayan! Before ako gumamit nung St. Ives ayan ang case ng balat ko.

After 6 days (hindi po araw-araw yung paggamit)
After One Month:

Ano ba yung mga naging regimen ko?
Morning: Shulammite Carrot Soap
Evening: St. Ives Green Tea Scrub(2x a week) Moisturizer
If hindi ako gumamit ng scrub: Shulammite Carrot soap and Quick fx pimple eraser(spot treatment only)

Will I recommend this product? Yes!
Rate:
Packaging: 4.5 🌟 why? Kasi wala akong makitang maliit na version nito kung meron sana sila lalo na dito sa Pilipinas (trial size ba tawag dun? )
Place: 4.5 🌟 madali syang mahanap, available online and drugstore
Price: 4.5 🌟
Product:
Smell: 4.8 🌟
Effectiveness: 4.8 🌟

Comments

Popular posts from this blog

What to wear on prenuptial shoot?

Shulammite Carrot Soap Review

Calmoseptine Review