Shulammite Carrot Soap Review

Hello! Thank you for dropping by. So, before tayo magstart bibigyan ko lang kayo ng story kung pano ko nakilala ang shulammite soap. Meron kasi akong friend na nagkaroon din ng mga pimples and napansin ko na parang kumikinis na yung mukha nya and namumuti parang tisay kaya tinanong ko sya kung ano ginagamit nya and ayun nga sabi nya sa'kin na shulammite carrot nga daw. Nung una medyo alangan pa ko magtry kasi syempre sabon lang yan and natatakot ako baka limited lang distribution nila. Baka mamaya kung kelan okay na yung face ko bigla silan mawala sa market. Basta ganun yung mga naiisip ko HAHA. Pero sa kabilang banda sinasabi ng isip ko na itry na kasi nga di ko naman malalaman hangga't di ko natatry. Malaking factor talaga sa'kin yung instinct or psychological matatahimik lang ako kapag natry ko na yung product or item na yun. Lalo na kung maganda yung feedback. 2016 nung nagstart akong gumamit nitong soap. Nabibili ko sya sa watson or mercury drug. Nung first week, medyo namula yung pisnge ko then napapansin ko din na hindi na masyadong oily yung pisnge ko. Tapos anlakas makatisay every morning. Second week, naglabasan mga pimples medyo kinabahan ako kasi baka di ako hiyang pero sabi ko sa sarili ko kailangan gamitin ko sya ng 1 month para makita ko talaga kung maganda baka kasi reaction lang ng skin ko. Third week, ginamit ko sya with Quick Fx pimple eraser hanggang napansin ko na nawawala yung mga pimple marks ko sa chin. Then may mild peeling. Fourth week, di na masyadong oily yung face ko and hindi na rin ako masyadong pinipimples. Until now, ginagamit ko pa rin siya and super duper thankful ako sa mga products na 'to kasi anlaki ng naitulong nya. Ngayon, di na ko masyadong pinipimples siguro mga 1-4 nalang pero mabilis siyang nagdadry up. Pero may pimple marks pa rin ako pero konti nalang din.


Shulamite Carrot Soap
✓ Beauty Bar
✓Price range: PhP95-100
✓Available at Mercury Drug Store and Watson
✓May expiration date

1 beauty bar tumatagal sakin ng 1 month to 1 month and 2 weeks, slice nyo lang sya and gamitin nyo pala sya sya buong katawan din kasi nakakaputi sya. Mahirap naman kung pisnge/mukha lang maputi. Bilhan nyo rin sya ng sarili nyang lalagyan yung hindi naiistock yung tubig para yung isang slice ng sabon tumagal.

Sana nakatulong ako, see you on my next blog!



Comments

  1. Parang promising ang soap. I haven't tried it ngayon GT carrot soap binili ko sana effective. Gawan ko din siya ng review. Nice blog 👍

    ReplyDelete
  2. Hi same tayo biglang nagsilabasan ng pimples ko kaya diko alam kung hiyang ba ako gumagamit din ako ng quick fx and then cleanser

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

What to wear on prenuptial shoot?

Calmoseptine Review